HINDI na uubra ngayon ang gawa-gawang political surveys, ayon sa Commission on Elections (Comelec) kasabay na paglalatag ng panuntunan sa pangangalap ng pulso ng mamamayan kaugnay ng nalalapit na halalan.
Sa kalatas ng Comelec, obligado na ngayon isama sa Statement of Contributions and Expenses (SOCE) na sinusumite ng mga kandidato pagkatapos ng halalan — kesehodang panalo o talo.
Alinsunod sa resolusyong pinagtibay ng komisyon kaugnay ng Implementing Rules and Regulations (IRR), kasama sa isusumite ang sponsor o nagbayad ng survey.
Bukod sa gumastos sa survey, kasama rin sa impormasyong kailangan inbahagi sa Comelec ang ang pangalan ng kumpanyang nangasiwa ng survey, panahon kung kinalap ang datos, survey elements gaya ng methodology, kabuuang bilang ng mga respondent, at kung saan sila nanggaling, pati na ang mga tanong na pinagbatayan ng datos.
Banta ng komisyon, papatawan ng disqualification ang mga pasaway na kandidato.
