SA kabila ng nakaambang perwisyo sa kalikasan, muling binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-angkat ng uling na gagamitin sa mga power plants sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Katwiran ng Pangulo, masyadong mataas ang presyo ng langis bunsod ng patuloy na bakbakan sa Middle East.
Layon aniya ng naturang hakbang makatipid sa operasyon ng mga planta.
Bagamat sinisikap umano ng pamahalaan iwasan ang paggamit ng uling dahil na rin sa kalakip ng peligro sa kalikasan, mapipilitan aniya ang pamahalaan muling buksan ang importasyon para titakin ang supply ng kuryente sa bansa.
“We were trying to move away from coal but because of the crisis, we’ll open up again the importation, the buying of coal para hindi makulangan ang ating power plants,” anang Pangulo.
