NAUBOS ang limang daliri ng 4-anyos na bata mula sa Central Luzon matapos nitong sindihan ang illegal na dart bomb sa loob ng kanilang bahay.
Kasabay nito, nadagdagan pa ang bilang ng mga naputukan ngayong bisperas ng Bagong Taon sa 115, iniulat ng Department of Health nitong Linggo, Disyembre 31.
Sinabi ng DOH na hanggang nitong alas-6 ng umaga, naitala ng FWRI ang walong bagong kaso ng fireworks-related cases.
“The DOH is seriously concerned how such deadly and illegal fireworks are able to reach the hands of young children,” ayon sa DOH.
Sa walong bagong kaso, lahat ay lalaki. Anim sa mga ito ay nangyari sa bahay at lahat sa mga kalsada, habang dalawa ang sa designated areas.