KASUNOD ng panibagong pag-atake ng Chinese Coast Guard sa mga sasakyang dagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea, hinimok ng binansagang House Young Guns ang pagdulog ng bansa sa United Nations (UN) para mapanagot ang China.
Bukod sa UN, napapanahon na din humingi ng tulong ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pang global partners kaugnay ng patuloy na paghahari-harian ng China sa loob ng 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone (EEZ).
Giit nina Deputy Speaker Paolo Ortega V (La Union 1st District), Deputy Speaker Jay Khonghun (Zambales 1st District), Congressman Ernix Dionisio (Manila 1st District), Congressman Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur 1st District), and Congressman Rodge Gutierrez (1-Rider partylist). hindi dapat ipagsawalang-bahala ang patuloy na marahas na aksyon ng China sa karagatang walang-dudang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
“This brazen act of aggression is a direct assault on our sovereignty and will not go unchallenged,” tigas na sabi pa ni Ortega.
“The West Philippine Sea is indisputably Philippine territory, affirmed by the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the 2016 Arbitral Award, which rejected China’s unlawful claims in the South China Sea. China’s actions are not only putting the lives of our Coast Guard in danger but also affecting the livelihoods of thousands of Filipino fisherfolk who depend on these waters,” dugtong niya.
Sa panig ni Dionisio, nanawagan ang mambabatas sa international community na magkaroon paninindigan sa usapin ng WPS lalo’t binabalewala lamang umano ng China ang mga panawagan na mapahupa ang tensiyunadong agawan ng teritoryo sa WPS.
Apela pa ng Manila City lawmaker, maghain ng pormal na protesta ang Pilipinas sa UN at magkaroon ng matibay na koordinasyon sa ASEAN allies at mga global partners.
Iminungkahi naman ni Khonghun ang higit na pagpapalakas sa kapasidad ng Philippine Coast Guard upang maiwasang maulit ang nasabing insidente.
“Hindi maaaring maging dayuhan sa ating sariling karagatan ang ating sariling mangingisda. This is a fight for national dignity. We stand united with our fisherfolk and Coast Guard in defense of our seas,” saad pa ng ranking House official.
Para kay Adiong, ang ginagawa ng China ay hindi lamang naglalagay sa peligro sa buhay ng mga tauhan ng PCG at pagsira sa mga kagamitan nito, dahil ito ay mayroong mas malalang epekto sa kabuhayan at kaligtasan ng mga mangingisdang Pilipino.
“China’s aggression disrupts the livelihoods of coastal communities, threatening their families and our nation’s food security This is about securing our seas and our people’s future,” ani Adiong, na nanawagan din para sa mahigpit na pagpapatupad ng Philippine Maritime Zones Act bilang paninindigan sa sovereign rights ng bansa.
“This attack on our vessel is an assault on our nation’s dignity,” pahayag naman ni Congressman Gutierrez.
“The Filipino people stand firm, and we call on peace-loving nations to join us in upholding international law and ensuring accountability,” pagtatapos ng 1-Rider partylist solon. (ROMER R. BUTUYAN)
