
MATAPOS ang ipatupad ang bigtime oil price hike sa hanay ng mga produktong petrolyo, sumipa na rin ang halaga ng bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa antas na P50 kada tangke.
Sa kalatas ng Petron Corporation, P4.55 kada kilo ang idinagdag ng kumpanya sa umiiral na presyo – katumbas ng P50 sa bawat 11-kilogram cylinder.
Hindi rin nagpaiwan ang auto LPG na tumaas ng P2.54 kada litro.
Paliwanag ng Petron, ang ipinataw na dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw sa international contract price para sa buwan ng Agosto.
Wala pang abiso ang ibang kumpanya hinggil sa kanilang presyo.