
KUMPIRMADONG may naganap na sabwatan sa hanay ng mga pulis sa likod ng P6.7-billion shabu haul kaugnay ng anti-illegal drug operation sa Tondo, Maynila noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, hayagang naglabas ng pagkadismaya si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa aniya’y walang patumanggang pagsisinungaling ng mga pulis na nakasalang sa pagdinig ng Senado.
“I will order all of you to be detained for trying to stage a cover-up! You are doing a brazen cover-up of this case! No one believes your lies because you keep pointing fingers at one another!” galit na sambit ni dela Rosa.
Partikular na iniimbestigahan ng Senado ang alegasyon hinggil sa di umano’y cover-up sa pagdakip kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo na pinaniniwalaang may-ari ng 990 kilo ng shabu na nakumpiska sa ikinasang operasyon ng Philippine National Police (PNP) mahigit anim na buwan na ang nakaraan.
Sa galit ni dela Rosa, inutusan ng mambabatas ang Senate Sergeant-at-Arms na ikulong si Capt. Jonathan Sosongco.
“In the previous hearing, he told the committee that he was in touch with and he was handling the informant, but now he’s saying what he has custody of is only information, not the informant,” ani dela Rosa.
“He was telling us he was calling the informant, but when I asked to be given the number, he said he no longer has it. So he was really lying to his teeth,” aniya pa.
Paniwala ng senador, target ni Sosongco makuha ang gantimpalang nakalaan sa tuwing may tagumpay na operasyon kontra droga.
Nanawagan rin ang ibang senador na isailalim ang mga iniimbestigahang pulis sa lifestyle check kaugnay ng nadiskubreng offshore accounts.