KASABAY ng paggunita ng National Nutrition Month, nanindigan ang isang mambabatas sa patuloy na pagsusulong ng panukalang batas na magbibigay hudyat para sa isang bansang malayo sa gutom.
Ayon kay AnaKalusugan Partylist Rep. Ray Reyes, higit na kailangan pagtibayin ng Kamara ang House Bill 2189 (Zero Hunger Bill) para tiyakin may sapat at abot-kayang pagkain sa mesa ang bawat pamilyang Pilipino.
Paglilinaw ni Reyes, higit pa sa gutom ang kailangan resolbahin ng pamahalaan.
“Malnutrition remains a serious problem in our country and it is our duty to address, not just hunger incidence, but also the lack of healthy food available to all at a fair price point,” sambit ng kongresista.
“AnaKalusugan Partylist joins the nation in celebrating National Nutrition Month and remains committed to advance legislation to eliminate hunger and make affordable healthy food accessible to all Filipinos,” dagdag ni Reyes.
Target ng panukala ni Reyes na tuluyang tuldukan ang gutom pagsapit ng taong 2030, kasabay ng paglikha ng Commission on the Right to Adequate Food, na babalangkas ng polisiya at mangangasiwa sa mga programa kontra-gutom ng iba”t-ibang sangay ng gobyerno.
“According to the National Nutrition Council (NNC), around 35 percent or four out of 10 Filipino families in the country are unable to eat healthy and nutritious food. This is is something that we urgently need to address,” aniya pa.
Layon din aniya ng isinusulong na panukala tiyakin sapat at abot-kaya ang pagkain, angkop na nutrisyon para sa lahat at proteksyon ng mga konsyumer.
“Freedom from hunger is a fundamental right of everyone. While it remains a significant challenge in the country, our goal is to end hunger especially in the poor and vulnerable sectors,” sambit pa ng mambabatas.
Panawagan pa niya sa mga kapwa kongresista, isalang ang kanyang panukala sa nalalapit na pagbubukas ng plenaryo sa Hulyo 24.
“This measure is in line with President Ferdinand Marcos, Jr.’s avowed policy to exhaust all efforts to ensure food security in the country, so I hope that as soon as possible we can pass it.”