
SENTRO na naman ng kantyaw sa social media ang kontrobersyal na si Sen. Cynthia Villar bunsod ng kanyang mungkahing solusyon sa nakaambang water crisis – ang paggamit ng tubig sa ilog para ang supply ng tubig hindi na kapusin.
Rekomendasyon ni kay Sen. Villar sa mga residente ng Metro Manila, gamitin ang tubig sa ilog kung hindi kayang tugunan ng Maynilad at Manila Water ang pangangailangan ng mga negosyo at kabahayan sa kabisera.
Ayon kay Villar, mayroon naman mga teknolohiya para masala ang maruming tubig sa ilog upang mapakinabangan sa irigasyon at magamit na panlinis ng bawat bahay.
“Ang dami-dami nating ilog… gusto nga nating mawalan ng tubig ang ilog para hindi tayo bahain.”
Gayunpaman, diskumpyado ang mga eksperto sa mungkahi ni Villar.
Ayon sa isang hydrologist na ayaw magpabanggit ng pangalan sa takot na mabweltahan, bagamat totoong may mga teknolohiyang makakatulong sa pagsala ng tubig, hindi naman aniya ganun kadali ang proseso lalo pa’t sukdulan na ang estado ng mga ilog sa Metro Manila – bukod pa sa gastos at panahong kakainin bago masimulan ang rekomendasyon ng senadora.
“Water quality surveys consistently reveal the Pasig River is basically a toxic soup of heavy metals, nitrates, phosphates, oil and feces.”
“And besides, water contamination is at its worst. In fact, the Pasig River is considered as the most polluted river in the Philippines as per 2021 study. According to a report, Metro Manila’s largest pumping station has been damaged by an estimated 2 tons of trash being collected daily. The majority of these are plastic waste washed into the Pasig river.”
Mataas din aniya ang antas ng lason at nakamamatay na mikrobyo sa mga ilog sa Metro Manila.
“In this study, four bacterial isolates from Pasig River, identified as Aeromonas salmonicida, Acinetobacter sp, Morganella morganii, and Citrobacter freundii, were observed to employ short-chain acyl homoserine lactone as their signaling molecule based on in vitro assays using the biosensor strain.”