MATAPOS ulanin ng batikos, naglabas ng rekomendasyon ang Philippine National Police – General Hospital (PNP-GH) kung saan pansamantalang dinala si Senador Rodante Marcoleta matapos dakpin kaugnay ng kasong plunder.
Gayunpaman, nilinaw ni Lt. Col. Benaly Bayani, chief ng Internal Medicine ng PNP-GH, na mas makakabuti kung tatapusin muna ng senador ang pag-inom ng mga antibiotic para sa pulmonya bago tuluyang dalhin sa piitan na tutukuyin ng Sandiganbayan.
“Ni-recommend lang po natin siya for completion po ng antibiotics sa kanya. Then, anytime pwede naman po siyang [ilipat],” ani Bayani.
Kasalukuyang nananatili si Marcoleta sa PNP-GH matapos makaranas ng pananakit ng dibdib at pagtaas ng blood pressure ilang saglit matapos arestuhin.
Nahaharap ang senador sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyong campaign donations noong 2025 midterm elections.
