SA gitna ng kabi-kabilang eskandalo sa gobyerno, tuluyan nang bumagsak ang tiwala ng sambayanan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., base sa resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa datos ng SWS, bumaba ng -3 percent ang net trust rating ni Pangulong Marcos habang pumalo naman ng 31 percent ang antas ng tiwala ng mga mamamayan kay kay Vice President Sara Duterte.
Base sa survey na pinangasiwaan ng SWS mula Nobyembre 24 hanggang 30, nakakuha si Marcos ng 38 percent ng “much trust” ngunit higit na marami sa antas na 41 percent ang nawalan ng tiwala sa Pangulo.
Samantala, nakasungkit si Vice President Sara ng 56 percent “much trust” laban sa 26% “little trust.” (LOUIE LEGARDA)
