
JULY 04, 2018 Consumers buy goods inside the Q Mart Makrket in Quezon City. Inflation likely accelerated to a fresh five-year high of 4.9 percent in June due to higher prices of food and “sin” products, the Department of Finance (DOF) said. In its latest economic bulletin, the DOF said the June inflation may have grown to 4.9 percent year-on-year, faster than the previous month’s 4.6 percent, and last year’s 2.49 percent. INQUIRER PHOTO/ JAM STA ROSA
SA kabila ng direktibang dagdag-sahod para sa mga minimum wage-earners sa National Capital Region (NCR), mananatiling hikahos ang pamumuhay kung hindi sasabayan ng pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Paglilinaw ni Rizal Rep. Fidel Nograles na tumatayong chairman ng House committee on labor and employment, malaking tulong ang P40 kara araw na umento sa minimum wage. Gayunpaman, marami pa rin mga manggagawa ang hindi nasisiyahan dahil na rin patuloy na pagsipa sa presyo ng mga bilihin.
“We need to have a balanced response to the issues that our workers face. Hindi lang wage increase ang solusyon. Kailangan din nating ayusin nang sabay ang problema sa agrikultura at transportasyon para mas malaki ang take-home pay ng mga kababayan natin,” ayon kay Nograles.
Tiniyak ng kongresista na sa panig ng kongreso ay patuloy nilang tutukan ang pagtalakay sa mga panukalang may kinalaman sa pagbibigay ng umento sa sahod.
Inaasahang magiging P610 na ang arawang minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila, habang patuloy naman umaasa ang mga obrero sa labas ng NCR na ikokonsidera rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtaas ng sahod sa mga lalawigan.