
PARA sa isang demokratikong bansa, normal lang ang mga puna at patutsada, ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na tumayong lead chairman ng quad committee ng Kamara.
Ayon kay Barbers, bukas ang mga mambabatas sa mga kritisismo kaugnay ng mga usaping tinatalakay ng Kongreso. Katunayan aniya, hindi nababahala ang sinumang opisyal o miyembro ng Kamara sa kabi-kabilang banat ng ilang social media influencers lalo pa’t wala naman umanong katotohanan.
Gayunpaman, nagbigay ng paalala si Barbers sa mga vloggers na sumasakay sa teknolohiya ng social media.
“We don’t mind even if you do that 24 hours a day, seven days a week, 365 days a year, that’s all right. But please be careful with what you post online, because if these are found to be fake, lies, or falsehoods, then there are laws that can be used to penalize those who abuse freedom of expression,” pahayag pa ng Mindanaoan lawmaker, na siya ring chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.
Ayon kay Barbers, may mga batas na naglalagay ng hangganan sa tinatawag na kalayaan sa pamamahayag.
“Kaya po tayo may mga batas, at ipinaaalala ko sa kanila na ang karapatang ito,” anang beteranong mambabatas.
“So, para lang po malinaw, ilalagay natin sa konteksto kung ano ang nais nating makamtan sa pagdinig na ito,” dagdag pa ni Barbers.
Nilinaw ni Surigao del Norte lawmaker na ang imbestigasyon ng tri-comm ay hindi naglalayong supilin ang kalayaan sa pagpapahayag kundi matugunan ang pagkalat ng mga maling impormasyon sa mga social media platform.
Nag-ugat ang imbestigasyon ng tri-comm mula sa privilege speech ni Barbers noong Disyembre 16 at sa resolusyon ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
“I would like to reiterate that the objective of the hearings the Tri Comm is conducting – it is not to suppress freedom of expression or freedom of speech,” ayon kay Barbers sa joint panel.
“Alam nating lahat na nakasaad ito sa ating Konstitusyon at nais naming igalang ang karapatan ng bawat isa sa kanilang opinyon at pagpapahayag. Sa kabila ng iniisip ng iba, hindi ito paraan upang supilin ang kanilang mga opinyon sa mga isyu, maging ito man ay politikal, pang-ekonomiya, o iba pang pananaw,” dagdag pa ni Barbers.
Aniya, target ng mga pagdinig bumalangkas ng mga alituntunin o best practices sa pagpapalaganap ng impormasyon sa social media.
“It’s just a way perhaps of adopting the best practices of other countries in relation to the use of social media platforms,” ani Barbers.
“Our goal, as members of the 19th Congress, is to establish a set of rules, conscious of the constitutional right to freedom of expression. Ipinaglalaban ko lang ang isang polisiya o framework na hindi gagamitin ang social media platforms para magkalat ng fake news, disinformation, misinformation, o mal-information.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)