
Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
“KUNG ganyan po yung lumalabas, probably we can ask her to step down as the Vice President.”
Ito ang mariing tugon ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol partylist Rep. Raul Angelo “Jill” Bongalon di umano’y bakasyon engrande ni Vice President Sara Duterte habang abala ang mga kongresista para sa plenary deliberation ng proposed 2025 national budget ng Office of the Vice President (OVP).
Partikular na tinumbok ni Bongalon ang mga lumabas na ulat hinggil sa di umano’y pagtatampisaw sa mala-kristal na tubig ng Calaguas beach ng pangalawang pangulo sa mismong araw na dapat sana aniya’y humarap ang naturang opisyal sa Kongreso.
“In other words, ang ibig sabihin po nito wala ho talagang intensyon na dumalo dito po sa pagdinig sa plenaryo upang i-sponsor at i-defend ang budget po ng OVP. Sapagkat kung mayroon po siyang intensyon, dapat Sunday man lang nandito na po siya sa Manila o kaya naman nakipag-communicate po siya sa office ni Congressman Adiong para magkaroon po ng briefing at i-prepare man lang at mapaghandaan po ng budget sponsor ang mga katanungan na itatanong po sa OVP,” wika ng kongresistang bahagi ng tinaguriang ‘Young Guns’ sa Kamara.
“So pangalawa, consistent naman po yung Vice President natin, in fairness to her, consistent in the sense na hindi po siya dumalo nung Committee on Appropriations budget hearing, pati po dito sa plenary hindi rin po dumalo. So kung ganyan po it shows that she’s not interested with her duties and functions as the Vice President of the Philippines,” dugtong ni Bongalon.
“So kung ganyan po yung lumalabas, probably we can ask her to step down as the Vice President. Kasi nakikita natin eh, hindi naman siya dumadalo sa mga pandinig dito sa Kongreso, so ano po ibig sabihin nito? Hindi na po siya interesado at mas pinili niya pa po pumunta sa isang beach resort kesa dumalo po dito sa pagdinig sa kanya pong budget. So I guess, it’s the Filipino people, it’s up to them to judge the Vice President, yun nalang po siguro ang reaksyon ko diyan,” pagtatapos ng neophyte solon.
“Kung totoo man po iyon sir… mapapa sana all ka na lang talaga!,” reaksyon naman ng isa pang ‘Young Guns’ member na si La Union 1st Dist. Rep. Francisco Paolo Ortega V sa sinasabing pamamasyal sa beach ni Duterte.
“If these reports are accurate, it is deeply concerning that the Vice President chose leisure over fulfilling her official constitutional duties to the nation. The budget deliberation is a critical process, one that ensures transparency and accountability in the use of public funds,” ayon pa sa La Union lawmaker.
Sinegundahan naman ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez ang sentimyento ni Bongalon at inaming maraming kongresista ang dismayado sa ginawa ng bise-presidente.
“That’s clearly the sentiment being shared by a lot of members. Bahagi ng trabaho ito, bahagi ng responsibilidad ito. As head of an agency, you have to go through the process,” ayon pa kay Suarez na binigyan-diin ang pagtupad sa responsibilidad ng bawat isa patungkol sa pagbusisi sa proposed national budget.
“This is not just about her, it’s about the Office of the Vice President, the second-highest office in the land. The least she can do is show up and do her job,” dagdag pa niya.
Dismayado rin si La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V sa pang-iisnab ni Duterte sa plenary deliberation ng Kamara, na sinabayan ng paglabas ng beach photos at videos ng huli sa internet.
“Kung totoo man po iyon, sir, mapapa-‘sana all’ ka na lang talaga. Kasi kami dere-derecho po ang trabaho dito sa House,” sabi ni Ortega.
“Parang ang dating sa mga nangyayari—sa pag-snob sa hearings, sa pag-walkout, sa hindi pag-defend ng budget—parang hindi po siya interesado sa trabaho at pagiging active bilang Vice President. Baka ibang gusto niyang position,” dugtong ng La Union solon.
Sa panig ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun, sinabi niyang “nakaka-disappoint because we expect so much from her, at nakakalungkot dahil kami dito sa Kongreso nagtatrabaho ng hanggang madaling araw para maipasa ang mga batas.”
“Ipinagpaliban iyong budget niya kahapon. Tapos kung totoo man, siya ay nagbi-beach samantalang kami dito nagpapakahirap para ipasa ang budget for 2025. Nakaka-frustrate.” Mariing pahayag pa ni Khonghun.
Umaasa naman ang Zambales lawmaker na haharap sa Kongreso ang bise-presidente at gampanan ang mandated constitutional responsibility nito.
“Nakakalungkot na ang ating Vice President ay kinakalimutan ang kanyang trabaho para mag-beach, kung totoo man iyon,” pagtatapos ni Khonghun.