SA gitna ng record-breaking inflation rate, muling nanawagan ang mga guro sa administrasyong Marcos Jr. Sigaw ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines — dagdag sahod!
Partikular na tinukoy ni ACT chairperson Vladimer Quetua ang nakabimbing panukalang nagsusulong itaas ang antas ng sweldo sa hanay ng mga guro.
“Ilang buwan na tayong pinapaasa ng pamahalaan na bababa na umano ang inflation rate at maiibsan na ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin, pero tuloy pa rin itong tumataas. Tumatanggi sila sa pagtataas ng sahod at sinasabing kaunting panahon na lamang ang ating pagtitiis. But obviously there is no respite in sight from this quandary but through substantial pay hike,” pahayag ni Quetua.
Hirit ng militanteng lider kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sertipikahan bilang “urgent bill” ang mga panukalang batas na nagtutulak ng umento para sa mga guro — at hindi ang magarbong pagbiyahe sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
“The President is set for another overseas trip, purportedly to clinch deals to better the economy, but seven trips after and we have not felt any relief. It is better for him to do his job of certifying the pay hike bills as urgent,” aniya.
“Sagad na ang higpit ng aming mga sinturon, hindi na matanggap ng mga kumakalam naming sikmura ang kanilang mga hungkag na pangako at alibi. Ang kailangan namin ay makabuluhang dagdag-sweldo, ngayon na!” dagdag ni Queta.
Para sa buwan ng Enero, pumalo sa 8.7% ang Philippine inflation rate — higit pa sa 8.1% na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon.