ARESTADO sa Quezon City Police District (QCPD) ang salarin at ang tinuturong utak sa likod bigong tangkang pagpatay sa babaeng staff ng Office of the Ombudsman noong Miyerkules ng umaga.
Walang pagdadalawang isip na itinuga ng gunman na kinilalang si Marlon Nery si Dexter Alambat Cruz na napag-alamang katrabaho at dating karelasyon ng biktimang si Diane Jane Pagurigan na administrative staff sa Office of the Ombudsman.
Sa ulat ng pulisya, unang inaresto si Nery na umamin binayaran ng halagang P30,000 ni Cruz para patayin si Paguirigan.
Sa follow-up operation, di na nakapalag ang itinuturong mastermind na dinakip sa kanyang tahanan sa Barangay Culiat, Quezon City.
Pebrero 1 nang abangan at barilin ni Nery si Paguirigan sa tapat ng RCBC Bank sa kahabaan ng Quezon Avenue ng nasabing lungsod. Bagamat tinamaan, himala naman nakalusot sa kalawit ng kamatayan ang biktimang nagpapagali ma sa pagamutan.
Sa salaysay ng gunman, hindi aniya matanggap ni Cruz ang pagkalas sa relasyon ng biktima. Narekober sa pag-iingat ni Cruz ang iba’t ibang kalibre ng baril, bala at granada.
Samantala,, todo tanggi naman ang ingunusong mastermind sa akusasyon laban sa kaniya ng nahuling gunman.