LIMANG barangay sa bayan ng Umingan sa lalawigan ng Pangasinan ang pinasok ng baha dahil sa umano’y irrigation gate na naiwang bukas sa gitna ng pananalasa ng bagyong Crising.
Sa datos ng lokal na pamahalaan, hindi bababa sa 300 bahay sa limang barangay ang apektado ng matinding pagbaha. Maliban sa mga tuta, wala naman iba pang naiulat na nasawi.
Paniwala ng lokal na pamahalaan, lalo pang lumala ang sitwasyon dahil sa kabiguan buksan ang entrada ng river system.
Ayon kay Kennedy Sonaco na tumatayong research and planning officer ng Umingan Municipal Disaster and Risk Reduction Office (MDRRMO), naghanap ng dadaluyan ang tubig na dapat sana’s tangayin sa direksyon ng ilog.
Palusot naman ng barangay na nakakasakop sa lugar kung saan naroon ang floodgate, maging sila’y nabigla sa bigat ng buhos ng ulan na anila’y dahilan kaya hindi agad nabuksan ang gate na kumokontrol sa daloy ng tubig sa ilog patungo sa mga sakahan.
