ARESTADO sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad ang dalawang most wanted sa lalawigan ng Rizal. Unang nadakip ang suspek na si alyas Gie, 34-anyos umano’y No. 8 most wanted sa probinsya. Dakong 1:00 ng kahapon nang masakote sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Antipolo City Regional Trial Court ang pugante kaugnay ng kasong rape. Dakong 6:15 naman ng gabi nang dakpin din sa bisa ng mandamiento de arresto si alyas Toto sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal Ang matagumpay na pagkakaaresto sa dalawang wanted ay dokumentado umano gamit ang Alternative Recording Device alinsunod sa umiiral na batas. (EDWIN MORENO) Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 2 pulis, isa pa timbog sa nakawan sa Pampanga Baha sa Pangasinan sinisi sa bukas na irrigation gate