MULING nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Lunes ng umaga, Oktubre 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa time-lapse video na ibinahagi ng ahensya, tumagal ng 10 minuto ang ash emission ng naturang bulkan.
Umabot din umano sa tinatayang 300 metro ang taas ng usok mula sa bunganga ng bulkan bago tangayin ng hangin patungong kanluran.
Samantala, nanatili naman sa Alert Level 2 status ang bulkan sa pagtaas ng aktibidad nito, ayon pa sa Phivolcs.
Babala ng Phivolcs sa publiko, iwasan ang pagpasok sa apat na kilometrong permanent danger zone. Bawal din anila ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan. (LILY REYES)
