WALANG ingay o kahit konting kaluskos na naramdaman ang lokal na pamahalaan sa pagbabalik-operasyon ng illegal POGO sa Angeles City sa lalawigan ng Pampanga.
Sa isang kalatas, sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang condominium unit sa loob ng Clark Freeport Zone para dakpin ang dalawang dayuhan na pawang wanted sa pinanggalingan bansa.
Bagamat arestado ang target ng operasyon, lubhang ikinagulat ng mga operatiba ang umano’y operasyon ng illegal POGO na pinapatakbo umano ng pitong Korean nationals.
Katunayan anila, huli sa akto ang mga dayuhan na nag-ooperate ng betting platform na konektado sa iba’t ibang sporting events sa buong mundo.
Kasalukuyan nakakulong ang 7 Korean nationals sa Immigration Detention Facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang inihahanda ang deportasyon.
