DALAWA katao ang binawian ng buhay matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano sa gawing bahagi ng bayan ng Concepcion sa lalawigan ng Tarlac.
Batay sa inisyal na impormasyon, dakong alas 11:00 kaninang umaga nang mapansin ang pagsirko ng “ultralight plane sa himpapawid bago tuluyang bumagsak.
Agad naman isinugod sa pagamutan ang mga sakay – isang babae at isang lalaki – na kapwa idineklarang dead on arrival.
Sa imbestigasyon, lumalabas na nagmula sa bayan ng Magalang sa lalawigan ng Pampanga ang eroplanong lumagpak sa Barangay Panalicsican.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng insidente. (EDWIN MORENO)
