GANAP nang itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang La Niña Alert na posible anilang posibleng mabuo sa Oktubre hanggang Disyembre ngayong taon.
Batay sa pagsubaybay at pagsusuri ng klima, nagpakita anila ng higit pang paglamig ng mga sea surface temperature sa gitna at silangang equatorial Pacific.
Sakaling tuluyang mabuo ang La Niña, posibleng tumagal hanggang Pebrero ng susunod na taon ang pag-ulan sa iba’t bahagi ng bansa.
Paliwanag ng Pagasa, ang La Niña ay may dalang hindi pangkaraniwang mas malamig kaysa sa katamtamang temperatura sa ibabaw ng dagat sa gitna at silangang ekwador na Pasipiko.
Inilalarawan din ito sa pamamagitan ng higit sa average na bilang ng mga paparating na bagyo sa pagtatapos ng taon.
Ang mga ito ay maaaring dulot ng ilang sistema ng lagay ng panahon na nagdadala ng ulan tulad ng mga monsoon, matinding pagkulog, mga low pressure area, easterlies, shearlines at intertropical convergence zone, na maaaring magdulot ng masamang epekto, kabilang ang mga baha at pagguho ng lupa sa mga lugar na madaling maapektuhan.
“DOST-PAGASA will continue to closely monitor the possibility of La Niña, and its effect on the local climate. All concerned agencies and the public are encouraged to continue monitoring and take precautionary measures against their potential impacts.” (LILY REYES)
