ASAHAN ang pagpasok mas madalas na buhos ng ulan na dala ng hanging Habagat sa susunod na dalawang linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Batay sa weather analysis ng PAGASA, patuloy na mararanasan ang pagkakaroon ng low-level southwesterly winds sa western section ng Luzon at Frontal System sa Extreme Northern Luzon.
Paliwanag ng state weather bureau, ang pagpasok ng Habagat sa bansa ay indikasyon na malapit na ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
“As the Habagat becomes more dominant, occasional to frequent rains and thunderstorms are expected particularly over the western sections of the country. This may lead to the possible onset of the rainy season within the next two (2) weeks. Periods of the monsoon breaks may also occur” ayon sa PAGASA.
Payo ng PAGASA sa publiko, paghandaan ang epekto ng habagat tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa. (LILY REYES)
