PUMALO na sa 47 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa datos ng NDRRMC, 35 sa mga nasawi ay mula sa Soccsksargen habang 12 naman mula sa Davao Region — bukod pa sa 688 kataong nasugatan.
Samantala, patuloy pa rin ang search and rescue operation para tuntunin ang 33 iba pang nawawala.
Nasa 346,449 katao (katumbas ng 75,324 pamilya) mula sa Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang apektado ng delubyo.
Sa baturang bilang, 16,349 katao (katumbas ng 3,515 pamilya) ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation center. Nasa 29,260 katao (katumbas ng 7,279 pamilya) naman ang piniling manirahan sa ibang lugar.
