NI EDWIN MORENO
TIMBOG sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang limang Chinese nationals na umano’y nagbebenta ng smuggled na delata sa Barangay Marcelo sa lungsod ng Paranaque.
Sa isang kalayas, inamin ni CIDG Director Brig. Gen. Christopher Abrahano na hindi pangkaraniwan ang mga Meining luncheon meat na ayon sa impormante ay may tamang droga.
Silat din sa operasyon na ikinasa sa bisa ng isang search warrant ang nasa limang case ng “Snow Beer.”
Bukod sa “smuggled,” hindi rin umano nakarehistro sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga nasamsam na produkto.
“Since these food products have not gone through the evaluation process of the FDA, its quality and safety cannot be assured,” ani Abrahano.
Isinasailalim na sa pagsusuri ang mga produkto upang matukoy kung anong uri ng “tama” ang dulot ng mga nasamsam na “epektos” sa kalusugan ng tao.
