
SINABI ng Philippine National Police (PNP) na mahigit 27,000 police personnel ay ipapakalat sa paggunita ng Undas bukas, Nobyembre 1.
Naka-full alert ang PNP upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pagbisita sa mga sementeryo at sa post-election security.
Sinabi ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo na mahigit sa 4,000 assistance desks ang itinayo gayundin ang pagtingin sa kaligtasan ng publiko sa mga tourist spots.
Nagbabala naman si Fajardo sa publiko na maging maingat lalo na sa mga bata, matatanda at buntis na bibisita sa sementeryo.
“Ingatan niyo rin po ang mga gamit, lalo ‘pag magta-travel kayo gamit ‘yung mga public transportation natin. Huwag po tayo magdala ng malalaking amount ng pera,” sabi ni Fajardo.
“Ingatan n’yo po ang inyong gadget, mga cellphones n’yo, huwag n’yo basta ilagay sa likod ng inyong bulsa kasi sa crowded, minsan nadukutan po kayo without you knowing,” dagdag pa ni Fajardo.