NASA 600,000 kabahayan mula sa anim ng lungsod sa National Capital Region (NCR) ang inaasahang makakaranas ng mahaba-habang power interruption sa mga susunod na linggo bunsod ng pagbaba ng antas ng tubig na nakaimbak sa Angat Dam.
Kabilang sa mga lungsod na unang tatamaan ng pagkawala ng supply ng tubig ang Caloocan City, Malabon City, Manila, Valenzuela City, Navotas City at Quezon City.
Batay sa abiso ng Maynilad, siyam hanggang 11 oras ang itatagal ng water interruption sa mga naturang lugar.
Paliwanag ng Maynilad, kinailangan magbawas ng oras ng serbisyo ang kanilang kumpanya matapos bawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa mga water concessionaires (kabilang ang Maynilad at Manila Water) matapos makapagtala ng mas mababa pa sa critical operating level ang Angat Dam kung saan nagmumula ang 90% ng tubig na isinusuplay sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
“The allocation was lowered in an effort to preserve water in Angat Dam, given the possible worsening effects of El Niño in the coming months. However, this also means that Maynilad will get less supply than it needs to sustain normal service levels,” ayon sa Maynilad.