SA gitna ng mas pinaigting na kampanya kontra iligal na droga, nasabat ng mga listong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P15-milyong halaga ng droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Batay sa impormasyong ibinahagi ng BOC, naharang sa Terminal 3 ng NAIA ang isang bagaheng naglalaman ng 18 vacuum-sealed transparent pouch na kalaunan ay napag-alamang pinatuyong dahon ng marijuana.
Garantiya ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, patuloy pang paiigtingin ng kawanihan ang pagbabantay sa mga paliparan at pantalan upang protektahan ang publiko laban sa iligal na droga.
Patunay aniya ang naging operasyon sa pinalakas na inter-agency cooperation at pagbabantay sa mga border ng bansa. (JULIET PACOT)
