Ni Lily Reyes
IPINAG-UTOS ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Redrico Maranan tugisin ang isang nagpakilalang pulis na tampok sa tumakas makaraang makaaksidente ng kapwa rider sa kahabaan ng Mindanao Avenue ng nasabing lungsod.
Sa Facebook post na may kalakip ng video, inilahad ng isang Rayou Carbonnel ang pangyayari. Aniya, angkas siya ng rider nang biglang nag-overtake at mabundol di umano sila ang isang lalaking lulan ng motorsiklo.
Pero sa halip na tumigil, pinaharurot pa di umano ng lalaki ang kanyang motor — dahilan para habulin ng nabanggang rider para panagutin sa nasirang bahagi ng kaniyang motorsklo at sagutin ang gastusin sa nasugatang pasahero.
Nang abutan ang tumakas na lalaki, nag-angas at nagpakilalang pulis pa di umano ang naturang indibidwal na nagpakita ng ID bilang patunay.
“Oh ito ID ko. Anong magagawa mo? Pulis ako eh!” maangas na sabi ng lalaki at pagkatapos ay muling sumakay sa kanyang motor at mabilis na pinaharurot.
“Kuya rider was devastated, his motor is damaged, and my ankle is scrapped. The police did not leave any name or number to settle it even just privately. He just took off,” ayon pa sa post ng pasahero ng rider.
“When the viral news on social media involving a police officer reached my office, I immediately ordered my police to find the identity and thoroughly investigate such incident. In our organization, we never accept such activities. It is our duty to provide fair service with integrity and professionalism to the public. If so, we will not rest until the person involved in this incident is found and held accountable,” pahayag ng QCPD chief.
Karagdagang Balita
ECOWASTE: WAG IDAMAY MGA PUNO SA PANGANGAMPANYA
NCRPO CHIEF KINAPON SA REKLAMONG KOTONG
DENGUE ALERT: METRO MANILA PASOK NA SA CRITICAL LEVEL