
TULAD ng inaasahan, ganap nang sinimulan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III ang balasahan sa hanay ng mga hepe.
Bilang pambungad, walong chief of police sa National Capital Region (NCR) ang sinibak na sa pwesto ni Torre 10 araw matapos italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa mga tinamaan sa pag-arangkada ng balasahan ang mga hepe ng lokal na pulisya sa mga lungsod ng Navotas, Parañaque, Marikina, Mandaluyong, Caloocan, Makati, Valenzuela, at San Juan.
Pag-amin ni Torre kasunod ng pagbisita sa Central Visayas region, mahaba pa ang talaan ng mga papalitan, kabilang ang mga provincial directors dahil sa umano’y kabiguan magpatupad ng 5-minute response time sa tawag ng saklolo sa nasasakupang lalawigan.
Hindi naman sinabi ni Torre kung kasama sa balasahan ang mga regional directors. (EDWIN MORENO)