MALAMIG na rehas ang kinasadlakan ng tinaguriang ‘boss’ ng mga tulak matapos masilat ng lokal na pulisya sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), arestado sa pinagsanib na pwersa ng Kamuning Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na kinilala sa pangalang Christopher Laguras Adao, alias Boss binata at nakatira sa Ramos Compound, Brgy. Matandang Balara, Quezon City.
Sa paunang ulat, dakong alas 10:00 ng umaga (Hulyo 12), nang ikasa ng SDEU ( sa pamumuno ni Major Mike Diaz at Lt. Jorge Villanueva) at PDEA ang operasyon sa mismong tahanan ng target, batay sa timbre ng isang impormante.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang mahigit sa kalahating kilo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P3.57 milyon.
Narekober din sa suspek ang buy-bust monet na ginamit sa buy-bust operation.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republuc Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na nakapiit sa QCPD Custodial Facility.