
PINAYAGAN ng Muntinlupa Regional Trial Court si dating senador Leila de Lima na makapagpiyansa sa natitira nyang drug case matapos ang halos pitong taon na pagkakakulong.
Sinabi ni Boni Tacarardon, legal counsel ni De Lima, na inaprubahan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang mosyon ng kampo ni de Lima na makapagpiyansa.
“Motion granted,” sabi ni Tacardon.
Sa press briefing, sinabi ni Philippine National Police spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na hinihintay na lamang nila ang court order sa paglaya ni De Lima sa from PNP Custodial Center.
Ngayong araw ang inaasahang paglaya ni De Lima, ayon kay Fajardo.
“We will have to wait to officially receive the copy of the release order…Hopefully, within the day po, kung matapos po ang proseso then our senator will be released upon court order,” sabi pa ni Fajardo.
Mula Pebrero 2017 ay nakakulong na si De Lima sa Camp Crame dahil sa alegasyon ng droga na paulit-ulit niyang itinatanggi.