MAY posibilidad umanong may Chinese military spies na nakakukuha ng hindi pekeng pasaporte at tax identification cards, immigration documents maging birth certificates sa illegal na paraan.
Sa hearing sa Senate committee on women, children, family relations and gender equality, sinabi ni Hontiveros na may kakutsaba na tiwaling opisyal ng gobyerno ang mga Tsino para makakuha ng totoong dokumento ng Pilipinas.
Ito ang natuklasan ng senador sa raid na naganap sa Philippine offshore gaming operator (Pogo) hub sa Pasay City na pinatatakbo ng Smart Web Technology Corp.
Hindi lamang prostitution den at human trafficking operations kundi ang pagkumpiska sa mga legal na dokumento na dapat ay sa Filipino citizens lamang naibibigay.
Isinagawa ang Senate inquiry sa mismong gusali ng Smart Web kung saan ininspeksiyon din ng mga opisyal ng Inter-Agency Council Against Trafficking ang lugar.
“Considering our current dispute in the West Philippine Sea, it is alarming that we are giving an all-access pass to our country to Chinese citizens through these Pogo hubs,” sabi ni Hontiveros.