HABANG abala ang sambayanan sa pagbabantay sa imbestigasyon kontra korapsyon, sinamantala ng mga negosyante ang pagkakataon para itaas ang presyo ng semento.
Sa isang pahayag, kinondena ng grupong United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) ang Department of Trade and Industry (DTI) sa anila’y kabiguan protektahan ang interes ng mga konsyumer.
Sa isang kilos-protesta sa harap ng tanggapan ng DTI sa Makati City, partikular na hiniling ng grupo kalusin ang ipinataw na P16 na dagdag-presyo sa ng semento.
Anila, hindi angkop na dagdagan ng pamahalaan ang pasakit sa mga ordinaryong Pilipino.
Babala ng UFCC, negatibo ang epekto ng mas mahal na semento sa pabahay at maging sa iba pang sangay ng konstruksiyon.
Hirit ng grupo — agarang aksyon upang protektahan ang mga mamimili at matiyak ang patas na gawi sa merkado. (ITOH SON)
