HINDI na halos makilala ang tatlong bata nang matagpuan ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos lamunin ng apoy ang kabahayan sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City, Martes ng umaga.
Sa ulat ng BFP-National Capital Region, kinilala ang magbkakapatid na biktima sa pangalang Matthew, 10-taong gulang; Zach, 7-anyos at ang 5-taong gulang na bunsong kapatid na si Zarah.
Ayon kay BFP Director Jesús Piedad Fernandez, pawang uling na nang matagpuan sa ikalawang palapag ng inuupahang bahay sa Kalye P. Florentino.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na pinaglaruan lighter ang nagsilbing mitsa ng sunog na nagsimula dakong alas 11:00 ng umaga sa unang palapag ng bahay na inuupahan ng pamilya ng mga biktima.
Ayon kay Jeanine Pauline Miñoza, pawang tulog sa ikalawang palapag ang ang tatlong anak nang iwanan nilang mag-asawa para dalhin sa Fabella Hospital ang inang may karamdaman.
Bandang alas 12:18 nang ganap na maapula ang sunog na tumupok sa 15 bahay. Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP. (LILY REYES)
