NAKATAKDANG magpakalat ng sandamakmak na traffic enforcers ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng 19 pangunahing kalsada sa National Capital Region (NCR) para sa unang araw ng implementasyon ng pagbabawal sa mga e-trikes at tricycle sa mga national roads.
Batay sa talaan ng MMDA, kabilang sa mga babantayan ang Roxas Boulevard, Taft Avenue, South Luzon Expressway, Shaw Boulevard, Ortigas Avenue, Magsaysay Boulevard sa Maynila hanggang Aurora Boulevard ss Quezon City, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, A. Bonifacio Drive, Rozal Avenue, Delpan, Marcos Highway, at MacArthur Highway.
Pasok din sa mga bantay-saradong daluyan ng trapiko ang kahabaan ng Recto Avenue, Pres. Quirino Avenue, Araneta Avenue, Epifanio delos Santos Avenue, Katipunan – CP Garcia, Southeast Metro Manila Expressway, Elliptical Road, at Mindanao Highway.
Hindi naman sinabi ng MMDA kung anong aksyon ang ikinasa sa mga lalabag sa Metro Manila Council resolution.
