MAGKAKAROON muli ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa huling linggo ng 2023 matapos ang pagsirit ng presyo matapos ihinto ng mga kompanya ang shipment sa Red Sea, ayon sa Department of Energy.
Sa kalatas, sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero na posibleng ipatupad ang pagtaas ng presyo sa Martes:
Gasoline – ₱1.40 to ₱1.60
Diesel – ₱1.40 to ₱1.60
Kerosene – ₱1.60 to ₱1.80
“Said adjustments were tempered by signs of unexpected build-up in US crude stockpiles and talks over a potential ceasefire in the Israel-Hamas war,” sabi ni Romero.
Sinisi ng DOE ang krisis at pag-iwas sa pagdaan sa Red Sea ng oil companies at tanker owner dahil sa mga pag-atake ng grupo ng rebelde sa mga barko sa rehiyon.
Noong nakaraang buwan, 17 Filipino seafarers ang na-hostage ng militanteng Houthi sa Red Sea.