SA hudyat ng unang araw ng Setyembre, asahan ang pagsabak ng libo-libong opisyales at kawani ng pamahalaan bilang pakikiisa sa isang fun run na inorganisa ng Civil Service Commission (CSC) bilang bahagi ng Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).
Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni CSC chairman Karlo Nograles ang “VibeRun: Takbo para sa mga Servant Heroes, na naglalayong isulong ang adbokasiya sa pangangalaga ng physical at mental health ng nasa 1.9-milyong opisyales at kawani ng pamahalaan.
“As we begin the 124th PCSA, our goal is to host an event that carries profound meaning and purpose for all participants. VibeRun goes beyond the act of running. It serves as a meaningful way to contribute. The funds raised will directly benefit the Pamanang Lingkod Bayani (PLBi) Program of the CSC, providing essential financial support to the families of civil servants who lost their lives in the line of duty,” pahayag ni Nograles.
Target ng CSC sa PLBi Program, na sadyang itinaguyod bilang pagkilala sa mga kawaning pumanaw o nagbuwis ng buhay bilang pagtupad sa sinumpaang tungkulin bilang lingkod bayan, ang paghahandog ng one-time financial assistance na P100,000, gayundin ang plaque of recognition, at scholarship grants naman sa mga naulila.
Mula ng inilunsad noong taong 2011, umabot na sa 249 ang hinandugan ng tulong at pagkilala sa ilalim ng nasabing programa.
Panawagan ni Nograles sa iba’t ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan, magpadala ng kinatawan para sumali sa aliman sa dalawang kategorya ng fun run – 3km at 5km.
Para sa National Capital Region (NCR) at Region 4, ang VibeRun na pangangasiwaan ng CSC-NCR Regional Office ay isasagawa sa Quirino Grandstand, Rizal Park Luneta sa Manila City kung saan tampok ang makulay na selebrasyon kabilang ang paggamit ng Holi powder, na isang safe and lively substance na kadalasang ginagamit sa Holi festival sa India at Nepal.
Aabot sa 20,000 runners na mula sa government offices sa NCR at Region 4 ang inaasahang lalahok.
Upang makasali sa VibeRun, maaaring mag- register sa bit.ly/4cY75dU hanggang 29 August 2024. Samantala, ang government officials at employees ay maaaring makipag- coordinate sa nakakasakop na CSC Field Office. Ang registration fee ay P250.00 sa bawat participant.
Para sa karagdagang detalye, kasama ang regional location at registration, maaari ring bisitahin ang CSC Facebook Page na facebook.com/civilservicegovph at PCSA microsite at https://csc.gov.ph/pcsa2024.
