SA kabila ng mahigpit na direktiba ng Palasyo, patuloy ang pamamayagpag ng illegal offshore operation sa bansa.
Patunay nito ang pagsalakay kahapon ng madaling araw ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa isang hinihinalang scam hub kung saan kalaboso ang may-ari ng illegal POGO at 99 katao — kabilang ang 32 Pinoy, sa distrito ng Baclaran, lungsod ng Parañaque.
Sa bisa ng search warrant, pinasok ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division ng NCRPO, kasama ang mga tauhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang ika-siyam na palapag The Centrium sa panulukan ng San Pedro at J. Maceda St. sa naturang lungsod.
Pagpasok sa naturang establisyemento, bumungad ang operasyon ng scam hub.
Bukod sa may-ari, swak din sa hoyo ang dalawang supervisor at mga mga dayuhang empleyado mula sa bansang China, Malaysia, Indonesia at Vietnam. Kabilang din sa mga dinatnan ng mga operatiba ang mga Pinoy na pwersahang pinagtatrabaho bilang
“While conducting inquiries to them, the Filipino nationals manifested that they were forced to work as scammer, while the models were being forced to dress in a seductive manner and perform lascivious conduct in order to lure their prospect victim,” ani NCRPO chief Jose Melencio Nartatez.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Securities Regulations Code of the Philippines ang mga suspek.
