TIMBOG sa ikinasamg buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD) ang anim katao — kabilang ang isang 64-ayos na lolo.
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Brig. Gen. Nicolas Torre III ang mga suspek na sina lolo Federico Escobido Juanito, Alvin Benapayo, Mark Anthony Cuntada Cabrillas, Noel Banasan Reyes, John Wilfred Lazaro Arigidon, John Flores Echavez, at John Garry San Buenaventura Tijam.
Ayon kay Kamuning Police Station (PS 10) commander Lt. Col. Robert Amoranto, pasado 1:00 ng hapon (April 26) nang isagawa ang drug operation sa pangunguna ni Lt. Jorge Villanueva sa Barangay Sacred Heart, sa nasabing lungsod.
Narekober ng mga operatiba ang 12 pakete ng drogang may katumbas na P20,400 sa merkado, drug paraphernalia, tatlong cellphones at buy-bust money.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.