November 11, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

MANYAKIS NA PRINCIPAL KALABOSO SA KYUSI

Ni LILY REYES

KALABOSO ang kinahantungan ng 59-anyos na school principal matapos sampahan ng kasong pangmomolestiya ng mga estudyante sa Quezon City.

Base sa ulat ng Quezon City Police District, kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) ang hindi pinangalanang principal ng Pugad Lawin High School sa Barangay Bahay Toro, sa nasabing lungsod.

Naganap di umano ang pangmomolestiya ng suspek nitong Setyembre 28 sa loob mismo ng Principal’s Office ng nasabing paaralan.

Ayon sa mga mag-aaral na pawang Grade 10, magkaksama silang nagtungo sa tanggapan ng suspek bilang pagtalima sa utos na idinaan sa mensahe sa cellphone. Pagdating sa opisina, isa sa apat na grade 10 students ang inutusan magsaing at doon na umano naisakatuparan ang panghahalay gamit ang patalim na nakatutok sa estudyante.

Habang naghihintay, nagpasya ang isa pang sumunod sa “pantry” kung saan tumambad ang pangmomolestya ng principal. Ilang saglit pa, siya naman di umano ang tinutukan ng patalim at hinalay.

Hindi pa nasiyahan sa kahalayan, ginawan din umano ng pambababoy ng principal ang dalawang iba pang kasama.

Dahil sa sinapit, nagsumbong sa kani-kanilang ina ang mga biktima. Dito na nagpasya ang mga magulang ng mga grade 10 students na magtungo sa himpilan ng pulisya para maghain ng reklamo laban sa nasabing principal.

Agad naman nadakip ang suspek.