HINDI na umabot ng breaktime ang mga kawani sa Palasyo na agad pinauwi matapos lang ang tatlong oras ng pananatili sa kani-kanilang tanggapan.
Gayunpaman, walang anumang inilahad na dahil sa likod ng desisyon pauwiin ng maaga ang mga empleyado.
Dakong alas 10:00 naman ng umaga nang isara lahat ng kalsada papasok sa Malacañang compound bilang tugon sa magkasabay na kilos protesta sa EDSA at sa Liwasang Bonifacio sa lungsod ng Maynila.
Kinansela rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pagtitipon at aktibidad na dapat daluhan. Ayon kay acting Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office (PCO), nais umano tutukan ng Pangulo ang mga kaganapan sa EDSA kung saan hindi bababa sa 10,000 katao ang lumahok.
