APAT na miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ang inaresto ng pulisya matapos magka gitgitan sa isang malakihang kilos-protesta sa EDSA People Power Monument.
Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), dalawa pulis ang nasaktan bunsod ng tensyon sa pagitan ng mga demonstrador at mga unipormado.
Kabilang sa mga dinakip ang driver ng bus na nagtangka pa umano harangan ang northbound lane ng EDSA bus lane. Arestado rin ang isa pang indibidwal na umano’y nanakit sa opisyal ng pulisya, habang “disorderly conduct” naman ang dahilan ng pulisya para sa dalawa pang raliyista.
Isinailalim sa kustodiya ng Quezon City Police District Station 8 ang apat, habang dinala naman sa Philippine National Police General Hospital ang dalawang sugatang pulis para lapatan ng lunas.
