KINASUHAN na ng two counts ng murder at frustrated murder si Patrolman Zonjo Del Rosario na sangkot sa pamamaslang sa dalawa katao noong nakalipas na Miyerkules sa Malabon City.
Bukod sa naturang kaso, kasong administratibo naman ang inihahanda laban sa suspect, ayon kay Northern Police District Director PBGen. Rizalito Gapas.
Lumilitaw na motibo sa krimen ang illegal na droga subalit tinitingnan din ang isyu ng hulidap matapos makitaan ng pekeng baril at shabu ang mga biktima.
Samantala, nilinaw ni Gapas na ang pagtanggal sa puwesto kay PCol. Jay Baybayan ay pagbibigay daan sa imbestigasyon.
Nabatid na mag-isang nagsagawa ng operasyon si Del Rosario at mag-isa ring pumasok sa bahay kung saan naroroon ang mga biktima.