
MULING sumibol ang hidwaan ng pamilya Binay dahil sa pulitika sa lungsod ng Makati kung saan kapwa tatakbong alkalde sina outgoing Sen. Nancy Binay at ang bayaw niyang si Makati 2nd District Rep. Luis Campos.
Sa ika-anim na araw ng paghahain ng kandidatura, pormal na isinumite ni Campos ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa posisyon ng alkalde sa isa sa pinakamayamang lungsod sa buong bansa.
Si Campos ang pambato ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Manok naman ng United Nationalist Alliance ang senador na kapatid ng asawa ni Campos.
Gayunpaman, suportado ni former Vice President Jojo Binay ang kandidatura ng anak na senador.
Sa isang pahayag, iginiit ni Sen. Binay na walang away sa pagoitan nila ni outgoing Makati Mayor Abby Binay.
“We are still family, and being a family will always come first. For me, my sibling is not my enemy. There’s no Abby Binay on the ballot, so we are not rivals,” maluha-luhang wika ng senador.
Samantala, makakatambal ni Campos si Kid Peña na kilalang mortal na karibal ng pamilya Binay. Pinili namna ni Sen. Binay na maging running mate si dating Makati Rep. Monsour del Rosario.