
PUSPUSAN ang paghahanap ngayon ng otoridad ang isang Belgian national na nagmamay-ari ng isang bagaheng inabandona sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.
Ang dahilan – bistadong droga ang laman ng bagahe ng isang nagngangalang Michael Septon bula sa bansang belgium.
Sa isang kalatas, nadiskubre umano ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa 10 kilong shabu (katumbas ng hindi bababa sa P72.8 milyon) matapos magsagawa ng pagsusuri sa mga bagaheng hindi pa nakuha ng mga nakatalang may-ari.
Ayon kay BOC-NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa, Setyembre 28 pa nang iwanan sa paliparan ang bagaheng pag-aari ng naturang dayuhan na dumating sa bansa mula sa Johannesburg, South Africa.
Sa tagal ng pagkakatengga, isinailalim sa pagsusuri ang kargamento. Ang resulta – positibong droga.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng BOC sa Bureau of Immigration (BI) para alamin kung nasa Pilipinas pa si Septon.