
ANG pagbaba ng bilang ng mga volcanic earthquakes ay hindi nangangahulugan na walang napipintong pagsabog ang bulkan, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs).
Sa abiso PhiVolcs, partikular na tinukoy ang kalagayan ng Bulkang Taal na ayon sa ahensya ay nakapagtala ng mas mataas na “real-time seismic energy measurement,” sa kabila ng pagdalang ng mga pagyanig ng lupa mula noong unang araw ng Enero.
Mula Enero 1, wala pa rin umanong nakikitang degassing plume (pagpapasingaw ng init mula sa ilalim ng lupa) mula sa Taal – na anila’y posibleng pahiwatig ng “blockage” sa loob ng bulkan na maaaring maging sanhi ng isang phreatic o phreatomagmatic eruption.
Gayunpaman, nananatili sa Alert Level 1 ang Taal. (Lily Reyes)