NASA P9 milyong halaga ng pekeng Lego products ang nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang operasyon noong Oktubre 24.
Ayon sa pahayag nitong Martes, ikinasa ng NBI National Capital Region division ang siyam na search warrants laban sa RSP Toy Store sa Maynila.
Nadiskubre at nakumpiska sa pagsalakay sa operasyon ang 1,906 kahon na naglalaman ng iba’t ibang modelo at laki ng LEGO products.
Mahaharap ang may-ari ng kompanya at trading company sa kasong Trademark Infringement, Copyright Infringement, and Unfair Competition sa ilalim ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Act.