Ni LILY REYES
DEAD on arrival ang 4-anyos na batang babaeng bibili lang sana sa tindahan nang araruhin araruhin ng rumaragasang SUV sa Barangay Sta Lucia, Novaliches, Quezon City Martes ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Flor Athena Lopez Doble ng naturang barangay.
Agad namang naaesto ang suspek na si Nikko Paragas, 30 taong gulang, binata, residente ng Sampaloc Manila, driver ng Toyota Fortuner Wagon na may plakang AGC-85, na nakaehistro sa isang Sherilyne Leoncio, ng Montalban, Rizal.
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector-2, bandang 5:00 ng hapon (Marso 26), nang maganap ang aksidente sa looban ng J. Panganiban St., sa Brgy. Sta Lucia sa Novaliches.
Sa imbestigasyon ni PMSg Romeo Manzon Jr., ng Traffic Sector-2, binabaybay umano ng suspek ang MH. Del Pilar St., galing J. Panganiban patungo sa JP. Rizal nang masalpok ng minamanehong Toyota Fortuner Wagon ang bata na noon ay tumatawid patungo sa tindahan.
Agad na isinugod ang bata sa Novaliches General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Elina Andrea Lantion, bandang 5:48 ng hapon.
Ayon sa ina ng biktima, nagpaalam ang bata na may bibilhin lamang sa tindahan
