TATLONG buwang suspendido ang lisensya ng bus driver matapos mabigong protektahan ang isang person with disability (PWD) na kinuyog ng mga kapwa pasahero sa loob ng minamanehong bus.
Partikular na tinukoy ni Transportation Secretary Vince Dizon ang viral video kung saan aktwal na nakita ang PWD habang kinukuyog ng mga kapwa pasahero. Naganap ang insidente sa EDSA Busway nito lamang nakaraang Lunes.
Bukod sa bus driver, suspendido rin ang kasamang konduktor.
Para kay Dizon, hindi katanggap-tanggap na walang ginawa driver at konduktor habang pinagtutulungan ng mga kapwa pasahero ang hindi tinukoy na PWD sa loob mismo ng bus.
Kwento ng mga saksi, nairita ang mga pasahero sa pag-aalboroto ng PWD. Gayunpaman, Sa gitna ng umano’y pagwawala ng PWD. Ang dapat aniyang ginawa ng driver at konduktor — huminto at humingi ng tulong sa mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na nakahimpil sa bawat istasyon ng Busway.
