MATAPOS magviral sa social media ang babaeng pasahero na hinimatay sa loob ng modern jeep dahil sa siksikan, agad na pinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kooperatibang tumatayong operator ng nasabing pulutong ng makabagong sasakyang pampubliko.
Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz, inisyuhan na rin ng show-cause order ang Easyway Transport Service and Multipurpose Cooperative na may-ari ng modern jeep kung saan hinimatay ang pasahero habang binabaybay ang kahabaan ng Marcos Highway sa bahagi ng Pasig City.
Pinadalhan na ng show cause order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operator ng modern jeep kung saan hinimatay ang isang babaeng pasahero nito dahil sa umano’y siksikan.
Babala ni Guadiz, posibleng suspindihin o tanggalan ng Certificate of Public Convenience (CPC) ang Easyway Transport Service and Multipurpose Cooperative sakaling mapatunayang may paglabag sa umiiral na reglamento.